Kilalanin si Eli

Ang kinatawan ng Kamanggagawa ay si Eli San Fernando.Si Eli San Fernando ay isang lider manggagawa at political content creator manggagawa na kilala sa kanyang walang takot at maka-manggagawang komentaryo sa social media. Ang kanyang mga viral na video ay nakakuha ng atensyon ng mga ordinaryong mamamayan at manggagawa, na nagbibigay ng matapang at maka-masang pananaw sa mga isyung nakakaapekto sa milyon-milyong Pilipinong nagtataguyod ng kanilang kabuhayan.Si Eli ay kasalukuyang National Vice President ng National Federation of Labor—isang pederasyon ng mga unyon at asosasyon ng mga manggagawa sa Pilipinas—kung saan siya ay nakatuon sa pag-oorganisa ng mga komunidad at asosasyon ng mga manggagawa, lalo na sa informal sector gaya ng mga nagtitinda sa palengke, street sweepers, at gumagawa ng basahan. Ang kanyang malalim na koneksyon sa kilusan ng mga manggagawa ang nagtatakda sa kanya bilang isang kandidato na tunay na nakakaunawa sa mga hamon ng mga manggagawang Pilipino at mga kapus-palad.


Sundan si Eli:


Mag-volunteer!

Ipanalo natin ang ating Kamanggagawa! Ang kahit anumang tulong na iyong mabibigay sa kampanya ay welcome na welcome at malaking ambag sa ating laban.

#85Kamanggagawa
#NoToProvincialRate
#YesToLivingWage